Angelica
23 أبريل 2025
Nag-book ako ng 2 rooms for an overnight stay sa Hue Hotel at may kasama akong 2 kids. Pagdating namin sa hotel, sinabihan kami na wala palang available na room—kahit na na-debit na ang bayad sa account ko.
Ang mismong hotel ang nagsabi na may kasalanan ang reservation department nila na based sa Manila.
Grabe ang hassle at disappointment—lalo na dahil may kasama kaming bata. Walang maayos na alternative, at wala kaming nagawa kundi umalis that day nang walang matutuluyan.
Bilang “compensation,” in-offer lang nila na pwede kami mag-stay kinabukasan at binigyan lang kami ng 2 plates of fruits. Honestly, sobrang hindi justified yun sa abala, stress, at gastos na naidulot ng pagkukulang nila.
Wala ring ibang offer or sincere apology.
At ang pinakamasakit, yung supervisor—walang sense kausap, parang walang alam, walang initiative, at hindi talaga marunong mag-handle ng guest concerns.
Sobrang hassle sa amin lalo na may kasamang bata. I hope Hue Hotel seriously improves their reservation coordination and customer service, kasi ganitong klaseng experience, hindi dapat pinagdadaanan ng kahit sinong guest.
ترجمة